
" Ang babasahing ito ay pawang kathang isip lamang. Ito po ay HINDI ibinase sa aking tunay na buhay o pangyayari. Ngunit isa lamang ito sa mga pangyayari sa ibat ibang mga tao sa loob ng Ragnarok. Hope You Guys Enjoy it. ^_^ Paumanhin narin po sapagkat hindi pa po tapos ang kwentong ito, at patuloy paring sinusulat ang mga susunod na pang yayari ^_^."
* I *
Nang sumali si Sam sa Guild ay wala pa itong kaibigan at kakilala dito. Kaya bihira itong tumambay sa tambayan ng kanilang guild. Kung mag online man ang dalaga ay nag papa lvl ito mag isa.
Pag online ng dalaga ay may bumati agad sa kanya. "Good Pm Princess Hanako." Princess Hanako ang character name ni Sam.
"Ay Good Pm din po." Gulat namang sagot ng dalaga dito.
"Ang aga mo ata ngaun nag Online?" tanong muli ni Andy sa dalaga. Si Andy ay ang Guild Master ng dalaga.
"Ahihihi x2 eh, need mag pa lvl. para umilaw na inggit ako sa inyo eh. /heh" pabiro namang sagot ng dalaga.
"ilang percent ka na ba? Aba 98 ka na pala. Kaya naman pala ang sipag mo mag online eh. hehehe" Sagot naman ni Andy dito.
"Uhm, tagal pa po. 70% palang me eh." nahihiya namang sagot ng dalaga.
"Aba eh malapit na yan pala. Tara leech kita." Yaya ng binata kay Sam.
Priest kasi ang character ng dalaga. Kaya hirap ito mag pa lvl mag isa.
"Ay di po oki lang po ako. kaya pa naman dito sa Ancient Mummy, mataas pa naman ang bigay eh." Nahihiyang sagot naman ng dalaga.
"Tara samahan kita, mas bibilis yan." Pilit naman ni Andy.
"Uhm san naman tayo mag papa lvl?" napilitang tanong nalamang ni Sam sa binata.
"Uhm san nga ba? hehehe" natatawa namang sagot ng binata.
"Ahihihi di ko rin alam eh." sagot din naman ng dalaga.
"San ka now?" tanong ni Andy sa dalaga.
"Sa morroc kafra po." mabilis namang sagot ni Sam.
"Aw dito rin ako sa kafra ala ka naman?" takang sagot naman ni Andy.
"Aw nasa taas na kafra po ako, ahihihi" natatawang sagot ng dalaga.
"Ahh. Sige puntahan kita dyan." Mabilis namang sagot ni Andy.
"Mabait din pala itong si kuya. akala ko mataray." iniisip naman ng dalaga habang inaatay ang binata sa pag dating.
"Hi Princess Hanako" Bungad na bati ng binata ng makita nito ang dalaga.
"Elo po" ganting bati naman ni Sam.
"Ano ready ka na? Saan tayo?" tanong ni Andy habang pa upo sa tabi ng dalaga.
"Uhm, di ko rin alam eh. Ngayon lang kasi ako mag papa lvl ng may kasama eh." nahihiyang sagot naman ng dalaga.
Tumayo ang dalaga at nag buffs sa sarili at binabuffs din ang binata. Habang si Andy naman ay tahimik na nag iisip kung saa sila mag papa lvl ng dalaga.
Mga ilang segundo pa ay ininvite na ni Andy ang dalaga sa party. "pa lvl??" ang party name na ginawa ng binata.
Agad namang inaccept ng dalaga ang party invite.
"Tara po, alam ko na kung saan tayo papa lvl." yaya ni Andy sabay tayo naman ng dalaga.
Sa Mino nag pa lvl ang dalawa. Tahimik na nag he heal si Sam, habang si Andy naman ay tuloy tuloy parin sa pag hakot ng mga kalaban at sabay sabay itong pinapatay.
"Ang tahimik mo talaga noh?" pabirong sabi ni Andy kay Sam.
"Ha?! ay hindi naman po nag ko concentrate lang. Baka kc ma mamatay ka eh, yari ako. ahihihi" Sagot naman ni Sam.
"Ok lang kahit ma dead ako. 99 naman na ako eh." ganting sagot naman ni Andy.
"Ei pag na dead ka dead narin ako /swt" natatawang sagot ng dalaga.
"Sabi ko nga eh. /hmm" napakamot nalang sa ulong sagot naman ng binata.
Muling tumahimik ang dalawa at nag patuloy sa ginagawa.
* * *
No comments:
Post a Comment